Namahagi ngayong araw ng libreng gulong para sa mga tricycle drivers

July 11, 2023
7K KABUHAYAN UPDATE:
Namahagi ngayong araw ng libreng gulong para sa mga tricycle drivers at operators ang lokal na pamahalaan ng Gubat at Pto. Diaz katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Boboy Hamor.
Nasa 218 mula sa bayan ng Pto. Diaz habang may 1,853 naman mula sa Gubat ang tumanggap ng tig-dadalawang gulong at nabenepisyuhan ng proyektong “Libreng gulong para sa Parapasada” sa ilalim ng 7K Kabuhayan Program.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng 60-40 sharing kung saan magkatulong ang pamahalaang panlalawigan at mga LGUs sa paglalaan ng pondo upang maisakatuparan ang nasabing programa.
Samantala, nagpahayag ng kanilang pasasalamat sina Mayor Nono Lim ng Gubat at Mayor Romeo Domasian ng Pto.Diaz sa pagtaguyod ng katulad na programang ito ng Kapitolyo kung saan natulungan ang mga kababayan nilang nasa sektor ng transportasyon.
Ang tagumpay ng programa ay isa lamang patunay na sa kooperasyon at pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na lider ng bawat bayan, tiyak na nasa tamang direksyon ang tinatahak nito na magbibigay solusyon sa bawat pangangailangan ng mga komunidad at pakikinabangan ng bawat Sorsoganon.
Scroll to Top