7K KALUSUGAN UPDATE

March 19, 2024 Mula sa regular na pagbisita sa mga isla, ngayon ay patuloy na nagsiserbisyo ang 7K Kalusugan Program sa mga malalayong barangay sa lalawigan sa proyekto nitong GIDA KA. Ngayong araw, ika-18 ng Marso, ang team ay nagtungo sa barangay ng Tula-Tula at Lapinig sa bayan ng Magallanes. Libreng konsultasyon, pamimigay ng gamot at pagbisita sa mga bedridden na pasyente ang ginawa ng grupo. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

March 9, 2024 Mas pinapalawak ng 7K Kalusugan Program ang pagsiserbisyo sa bawat Sorsoganon sa paghahatid nito ng libreng konsultasyon sa mga pasyente at bedridden, gayundin pagbibigay ng libreng gamot sa pamamagitan ng proyektong Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy at GIDA Ka, na silang nag-iikot sa bawat barangay sa lalawigan. Bukod sa DTH at GIDA, libreng pagbubunot ng ngipin at flouride naman ang hatid ng SMILE Sorsogon project. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

February 19, 2024 Ngayong Lunes, hindi nagpatalo sa hampas ng malalakas na alon ang grupo ng 7K Kalusugan GIDA para lamang muling marating ang barangay ng Calayuan sa bayan ng Matnog. Muling nag-ikot ang team sa bawat bahay ng mga bedridden patients upang i-check ang kalagayan ng mga ito, gayundin magsagawa ng libreng konsultasyon at pamimigay ng mga gamot sa mga residenteng nangangailangan. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

February 15, 2024 Sa gitna ng maulang panahon, hindi napigilan sa paghatid ng serbisyong medikal ang Kalusugan Program. Para sa Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy, binisita nito ngayong araw ang mga barangay ng Mayon, San Roque, Libtong gayundin ang barangay ng Bagong Sirang sa Castilla kung saan naging benepisyaryo ng libreng Dental services ang huli. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

February 14, 2024 Ngayong araw, ika-14 ng Pebrero, 2024, isang taon matapos opisyal na ilunsad ang pagsisimula ng roll-out ng 7K Kalusugan Program. Sa unang anibersaryo ng programa, patuloy pa rin itong naghahatid ng libreng serbisyong medikal sa bawat sulok at lugar sa buong probinsya. Ang mga barangay ng Banogao, Lajong, Bariis at Sulangan sa munisipyo ng Matnog ang binisita ngayon ng grupong Kalusugan para sa kanilang Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy gayunman ang Banagao ay nabenepisyuhan naman ng proyektong libreng dental. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

February 13, 2024 Ngayong araw, binisita ng 7K Kalusugan team ang apat na barangay sa Casiguran para sa Doctors to the Household and Rolling Clinic and Pharmacy. Ito ay ang mga barangay ng Adovis, Colambis, Somalot at Timbayog kung saan ang huli ay ang naging host barangay sa ginawang libreng dental. Kasama sa roll out ng DTH, ang team ng SMILE SORSOGON ay hindi lamang nagsagawa ng libreng pagbubunot ng ngipin gayundin, pati libreng flouride treatment para sa mga bata mula sa Timbayog ay naihatid nito. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

7K KALUSUGAN UPDATE

February 12, 2024 Pinatunayan ng 7K Kalusugan GIDA Na team, na walang sulok ng barangay ang maaaring malampasan dahil ngayong araw, ang Purok 4 ng barangay Sablayan sa bayan ng Juban ang pinuntahan ng grupo upang masuri ang kalagayang pangkalusugan ng mga residente rito. Libreng check-up at gamot sa rolling clinic and pharmacy at bahay-bahay na pagdalaw sa mga bedridden patients ang kanilang ginawa na nagdulot ng malaking kaginhawaan sa mga nakabenipisyo sa naturang serbisyo. #UnaAnSorsoganon

7K KALUSUGAN UPDATE Read More »

Scroll to Top