Official Website

7K KALIKASAN UPDATE

March 31, 2026 TINGNAN: Namahagi noong Marso 31, 2026, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng kabuuang 1,800 punla ng niyog sa mga magsasaka sa Sorsogon City at Juban. Sa mga barangay ng Balete, San Isidro, Marinas, at Abuyog sa Sorsogon City, umabot sa 1,350 punla ang ipinagkaloob sa 24 na coconut farmers. Samantala, 450 punla naman ang naipamahagi sa apat na magsasaka sa mga barangay ng Catanagan, Binanuahan, at Cogon sa Juban kung saan ang nabanggit na mga bayan ay may mga naindorso at kwalipikadong magsasaka na may nakahandang taniman. Ang mga punlang ipinamigay ay nagmula sa nursery sa Brgy. Inlagadian, Casiguran na pinangangasiwaan ng Provincial Environment and Natural Resources Office /7K Kalikasan Program. Layunin ng programang ito na higit pang mapalakas ang produksyon ng niyog sa lalawigan, matulungan ang mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan, at mapabuti ang kabuuang sektor ng agrikultura sa Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON

7K KALIKASAN UPDATE Read More »

Governor Boboy Hamor, Mainit na Sinalubong sa Juban sa Pagpapatuloy ng Beyond K to 12 Tour

March 2, 2026 TINGNAN | Mainit ang naging pagtanggap kay Governor Boboy Hamor ngayong umaga sa bayan ng Juban, sinalubong ng isang awit ng mga empleyado ng LGU Juban bilang pagpapakita ng suporta sa gobernador.  Matapos nito, agad na nagtungo ang gobernador sa pakikiharap sa mga tauhan ng Juban MPS at BFP Juban, kinilala ang kanilang sakripisyo at patuloy na paninilbihan para sa kapayapaan at kaligtasan ng bayan. Hindi rin nagpahuli ang sektor ng edukasyon sa pagdama ng malasakit ng gobernador. Sa pagpapatuloy ng kanyang Beyond K to 12 Senior High School Tour, personal niyang hinarap at inengganyo ang mga estudyante ng Juban National High School, Olympio Guarin National High School, Guruyan National High School, Biriran National High School, at Calateo Integrated School na ipagpatuloy ang pangarap tungo sa kolehiyo. #UnaAnSORSOGANON

Governor Boboy Hamor, Mainit na Sinalubong sa Juban sa Pagpapatuloy ng Beyond K to 12 Tour Read More »

Kalayuan man ang Lugar, Serbisyo ng 7K Plus Umaabot

January 12, 2026 KALAYUAN MAN ANG LUGAR, SERBISYO NG 7K PLUS UMAABOT | May kalayuan man ang lugar, hindi ito hadlang upang makarating ang Kalusugan Program ngayong araw. Ang GIDA Team ng Kalusugan ay nakapaghatid ng serbisyong medical at dental sa islang barangay ng Calayuan, Matnog. Hatid ng mga serbisyong ito ang ginhawa at malasakit para sa mga residente ng isla. #UnaAnSORSOGANON

Kalayuan man ang Lugar, Serbisyo ng 7K Plus Umaabot Read More »

Pilar Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program

September 02 2023 LOOK | Pilar, Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program Following the commencement of the Municipalities of Castilla, Matnog, and Bulusan, Sorsogon on Kalinigan program under the 7K Flagship project of Governor Edwin “Boboy” B. Hamor— the debut of Pilar Sorsogon has rigorously paved its way embracing the Kalinigan program with a warm welcome! This beautifying effort, coordinated by the Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, was pioneered by chosen areas in the municipality of Pilar, Sorsogon. The program was a success, owing to the united effort of the Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, which heads the Kalinigan & Kagandahan Program, and the Municipal Mayor of Pilar, Sorsogon—Hon. Carolyn C. Sy-Reyes. This effort would not have been possible without the aid of PENRO, PEO, SPDRRMO staff, Sorsogon Provincial Eco-Aides, and freshly engaged brush cutter operators. In pledging their full support for the 7K Flagship programs of Governor Edwin “Boboy” B. Hamor, the LGU of Pilar, Sorsogon established The Executive Order No. 34, Series of 2022, an Executive Order Organizing Pilar Municipal 7K Team (PM7K) of Pilar Sorsogon and for other purpose hereto related with the 7K Programs. This initiative seeks to give employment and livelihoods to every Sorsoganon, in addition to cleaning and beautifying roads and streets, because together with Governor Edwin “Boboy” B. Hamor and the office of SPTCAO aims to establish quality assured work with dignity for the people. #UnaAnSORSOGANON #kaliniganprogram #kagandahanprogram #BeautifulSorsogon

Pilar Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program Read More »

Governor Boboy Hamor visits Gubat District Hospital

November 16, 2023 TINGNAN: Muling nagsagawa ng unannounced visit si Governor Boboy Hamor sa Gubat District Hospital alas-4 ng umaga ngayong araw. Personal na kinumusta ng gobernador ang mga pasyente at tinasa ang mga serbisyong ibinibigay, upang muling makita ang pamamahala ng pangangalagang pangkalusugan. Matapos maglibot sa Gubat District Hospital dumiretso ang gobernador sa Pto. Diaz Medicare Hospital para isa pang sorpresang bisita. #UnaAnSORSOGANON

Governor Boboy Hamor visits Gubat District Hospital Read More »

Scroll to Top