7K KALINIGAN UPDATE

February 22, 2024d Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga major roads sa ilalim ng Kadena System ng Kalinigan Program ng pamahalaang panlalawigan, sa kasalukuyan ay pinapasok na rin ang mga secondary roads sa buong probinsya upang magsagawa ng katulad, na bahagi naman ng proyekto ng mga lokal na pamahalaan. Ngayong araw, nag-ikot ang grupo sa iba’t-ibang bayan at lungsod upang i-monitor at makiisa sa pagpapatupad ng proyekto ng mga LGUs. #UnaAnSorsoganon

7K KALINIGAN UPDATE Read More »

7K KALINIGAN UPDATE

February 20, 2024 Masayang nakilahok ang mga mag-aaral ng Pilar II Central School sa paglilinis at talakayan nang dumako ang grupo ng 7K Kalinigan Program sa bayan ng Pilar nitong ika-19 ng Pebrero, upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa kalinisan. Sinimulan nito lamang Pebrero ang 7K Kalinigan Information Caravan na naglalayong magbigay kaalaman sa mga mag-aaral ng Sorsogon para sa pagpapaigting at pagpapanatili ng kalinisan sa buong probinsya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Pitong Utos ng Kalinigan. #UnaAnSorsoganon

7K KALINIGAN UPDATE Read More »

7K KALINIGAN UPDATE

February 7, 2024 Nasa mga barangay ng Behia at Biga sa bayan ng Magallanes ang grupo ng 7K Kalinigan Program Team para sa ikalawang linggo ng kanilang week-long activity na paglilinis sa buong lalawigan. Nakatanggap naman ng tig-iisang foodpacks ang nasa 576 indibidwal mula Behia at 299 mula sa Biga na sumali sa paglilinis sa kanilang komunidad. Ang nasabing dalawang barangay ay kabilang sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na target ng programa na makasama sa mga lugar na lilinisan. #UnaAnSorsoganon

7K KALINIGAN UPDATE Read More »

7K KALINIGAN UPDATE

February 6, 2024 Simula sa unang linggo na week-long activity ng 7K Kalinigan Program sa pag arangkada ng Kadena System ng programa, ngayong araw, ika-anim ng Pebrero, 2024 ay nasa mga coastal na barangay ng Calintaan at Calayuan kasabay ang Subic Beach, Matnog ang grupo upang magsagawa ng sabayang paglilinis. Bukod sa team ng Kalinigan na regular na magmamantina ng kalinisan sa komunidad, nakatanggap naman ng foodpacks ang nasa 173 residente mula sa Calayuan at 355 sa Calintaan na tumulong at nakiisa sa aktibidad. Samantala, presente rin sa aktibidad ng proyekto ang mga kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan mula sa segundo distrito. #UnaAnSorsoganon

7K KALINIGAN UPDATE Read More »

Pilar Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program

September 02 2023 LOOK | Pilar, Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program Following the commencement of the Municipalities of Castilla, Matnog, and Bulusan, Sorsogon on Kalinigan program under the 7K Flagship project of Governor Edwin “Boboy” B. Hamor— the debut of Pilar Sorsogon has rigorously paved its way embracing the Kalinigan program with a warm welcome! This beautifying effort, coordinated by the Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, was pioneered by chosen areas in the municipality of Pilar, Sorsogon. The program was a success, owing to the united effort of the Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, which heads the Kalinigan & Kagandahan Program, and the Municipal Mayor of Pilar, Sorsogon—Hon. Carolyn C. Sy-Reyes. This effort would not have been possible without the aid of PENRO, PEO, SPDRRMO staff, Sorsogon Provincial Eco-Aides, and freshly engaged brush cutter operators. In pledging their full support for the 7K Flagship programs of Governor Edwin “Boboy” B. Hamor, the LGU of Pilar, Sorsogon established The Executive Order No. 34, Series of 2022, an Executive Order Organizing Pilar Municipal 7K Team (PM7K) of Pilar Sorsogon and for other purpose hereto related with the 7K Programs. This initiative seeks to give employment and livelihoods to every Sorsoganon, in addition to cleaning and beautifying roads and streets, because together with Governor Edwin “Boboy” B. Hamor and the office of SPTCAO aims to establish quality assured work with dignity for the people. #UnaAnSORSOGANON #kaliniganprogram #kagandahanprogram #BeautifulSorsogon

Pilar Sorsogon Kick-Off on Kalinigan Program Read More »

Kalinigan Program ni Governor Edwin “Boboy” Hamor, Mas Pinaigting at Mas Pinalakas!

January 17, 2023 Sa pagbukas ng bagong taon isang daang porsyento ulit ang nakuhang suporta ng mga LGUs at Ciudad mula sa Provincial Government of Sorsogon sa ilalim ng Kalinigan Program. Isang daang porsyentong suporta mag mula sa 60% Financial Assistance sa kabuuang sahod ng Eco-Aides sa loob ng anim na buwan, mga panibagong PPEs, Cleaning Materials at Heavy Equipment na magagamit sa pang araw araw na paglilinis ng mga Eco-Aides. Sa halos anim na buwan na manunungkulan ni Governor Edwin “Boboy” Hamor bilang Gobernador ng lalawigan, malaking epekto na ang nararamdaman ng bawat Sorsogonanon at mga iba pang mga taong bumibisita or napapadaan sa lalawigan ng Sorsogon. Iba’t ibang inisyatiba na din ang mga nagawa sa ilalim ng Kalinigan Program, ang pagbibigay asistensya sa bawat bayan at ciudad kabilang na dito ang suporta sa 4S Strategy kontra Dengue ng DOH, Oplan Undas Clean-up Drive, at Special Clean-up Drive Request ng iba’t ibang paaralan bukod sa pang araw-araw na paglilinis ng mga Eco-Aides sa mga kalye at kalsada sa buong lalawigan. Sa inisyatiba ni Governor Edwin Boboy Hamor kasama ang Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, at kooperasyon ng mga Local Government Units ng Sorsogon, naglalayong magtatag ng proyekto na panatag, may kalidad, at dignidad para sa bawat Sorsoganon.

Kalinigan Program ni Governor Edwin “Boboy” Hamor, Mas Pinaigting at Mas Pinalakas! Read More »

Scroll to Top