Official Website

SORSOGON PROVINCIAL CAPITOL

Ang tahanan ng angkang De Vera ay naging unang tanggapan ni Governador Bernardino Monreal simula 1902. Pansamantalang nagin opisina ang kanlurang bahagi ng gusali ng mataas na paaralang panlalawigan habang ginagawa ang gusaling kapitolyo. Itinayo yari sa kongkreto ang Kapitolyo ng Sorsogon sa istilong neo-classical kasabay ang Gusaling Hukuman at Panlalawigang Piitan sa pangangasiwa nina Arkitekto George Fenhagen at Ralph H. Doane sa panunungkulan ni Gobernador Victor Eco, 1915 – 1916. Itininayo ang monumento ni Jose Rizal sa harapan ng kapitolyo sa pangangasiwa ni Arkitekto Juan Arellano sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Bernabe Flores Palma 1923.

Recent News
Scroll to Top