7K KALINIGAN UPDATE

February 6, 2024

Simula sa unang linggo na week-long activity ng 7K Kalinigan Program sa pag arangkada ng Kadena System ng programa, ngayong araw, ika-anim ng Pebrero, 2024 ay nasa mga coastal na barangay ng Calintaan at Calayuan kasabay ang Subic Beach, Matnog ang grupo upang magsagawa ng sabayang paglilinis.
Bukod sa team ng Kalinigan na regular na magmamantina ng kalinisan sa komunidad, nakatanggap naman ng foodpacks ang nasa 173 residente mula sa Calayuan at 355 sa Calintaan na tumulong at nakiisa sa aktibidad.
Samantala, presente rin sa aktibidad ng proyekto ang mga kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan mula sa segundo distrito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top