Simula’t Katapusan ng Kalusugan Program mula sa bayan ng Castilla

February 27, 2023
Umabot sa 373 mga bagong panganak ang nabigyan ng pinansyal na asistensya sa ilalim ng proyektong Simula’t Katapusan ng Kalusugan Program mula sa bayan ng Castilla.
Nakatanggap ang mga nabanggit ng limang libong piso bawat indibidwal kung saan 2,000 piso ay galing sa pondo ng Lokal na Pamahalaan ng Castilla habang 3,000 piso naman ang counterpart ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Bong Mendoza kay Governor Boboy Hamor sa magandang programa gayundin ang lahat ng nakatanggap ng nasabing tulong.
Scroll to Top