Official Website

MGA BUNTIS AT BAGONG PANGANAK NA INA, MAKATATANGGAP NG MATERNAL KITS SA BUONG LALAWIGAN

June 10, 2026 MGA BUNTIS AT BAGONG PANGANAK NA INA, MAKATATANGGAP NG MATERNAL KITS SA BUONG LALAWIGAN Pormal nang inilunsad ngayong araw sa Sorsogon Provincial Hospital (SPH) ang pamamahagi ng Maternal Kits para sa mga buntis at mga bagong panganak na ina sa lalawigan. Pinangunahan nina Provincial Health Officer Dr. Jun Bolo kasama sina Board Members Roland Añonuevo at Nini Ravanilla ang paglulunsad ng programa kung saan personal na tinanggap ng mga beneficiaries ang mga maternal kits na naglalaman ng mga pangunahing gamit para sa pangangalaga ng ina at sanggol. Ang programang ito ay isa sa mga inisyatiba ni Governor Boboy Hamor kung saan ang pondo ay direktang ipinalabas ng kapitolyo mula sa savings ng Special Health Fund bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon. Bukod sa Sorsogon Provincial Hospital, ipamamahagi rin ang mga Maternal Kits sa iba’t ibang District at Medicare Hospitals sa lalawigan, gayundin sa mga Rural Health Units (RHUs) na mayroong birthing homes upang mas marami pang ina at sanggol ang makinabang sa programang ito. Sa pamamagitan ng hakbanging ito, patuloy na ipinapakita ng kapitolyo ang malasakit at suporta nito sa kalusugan at kapakanan ng bawat pamilyang Sorsoganon. #UnaAnSorsoganon

MGA BUNTIS AT BAGONG PANGANAK NA INA, MAKATATANGGAP NG MATERNAL KITS SA BUONG LALAWIGAN Read More »

AGARANG TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN SA BULAN

June 1, 2026 Naghatid ng paunang tulong ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong Mayo 30, 2026 sa 12 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Fabrica, Bulan. Kabilang sa ipinamahaging ayuda ang 24 DSWD Family Food Packs, 12 hygiene kits, 12 kitchen kits, 12 kumot at iba pa upang makatulong sa kanilang pansamantalang pagbangon mula sa insidente. Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga pamilyang nangangailangan sa panahon ng sakuna. #UnaAnSORSOGANON

AGARANG TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN SA BULAN Read More »

Patuloy na nagsasagawa ng validation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon para sa mga aplikante ng Beyond K12 Scholarship Program

May 20, 2026 LOOK | Patuloy na nagsasagawa ng validation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa tulong ng mga personahe ng 7K Kadunungan at Provincial Social Welfare and Development Office para sa mga aplikante ng Beyond K12 Scholarship Program na nagsimula noong Mayo 11 at nagpapatuloy hanggang sa mga susunod na araw sa iba’t ibang pribadong paaralan sa lalawigan. Layunin ng programa na mabigyan ng oportunidad ang mga kwalipikadong mag-aaral na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo, kung saan sasagutin ng pamahalaang panlalawigan ang 60% ng kanilang tuition fees sa ilalim ng nasabing scholarship program. Patunay ito ng patuloy na suporta ng Kapitolyo sa edukasyon at sa pangarap ng mga kabataang Sorsoganon na makapagtapos ng pag-aaral. #UnaAnSORSOGANON

Patuloy na nagsasagawa ng validation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon para sa mga aplikante ng Beyond K12 Scholarship Program Read More »

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng OPAg Sorsogon at Sorsogon State University ng dalawang aktibidad

May 20, 2026 TINGNAN: Ngayong Mayo 20, 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng OPAg Sorsogon at Sorsogon State University ng dalawang aktibidad. Una, ipinamigay ang allowance sa 38 AgriKIDS (1st Batch) na nag-aaral ng BS Agribusiness, BS Agriculture and Biosystems Engineering, at BS Agriculture sa Sorsogon State University Castilla Campus. Pangalawa, isinagawa ang qualifying exam para sa 70 aplikante ng AgriKIDS (2nd Batch). Ang pagsusulit na ito ay bahagi ng screening process matapos ang panel interview at home visit/validation na ginawa noong Hulyo at Agosto 2025. #UnaAnSORSOGANON

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng OPAg Sorsogon at Sorsogon State University ng dalawang aktibidad Read More »

Twenty-seven (27) beneficiaries of the Special Program for Employment of Students (SPES) attended the orientation conducted by the (PESO)

May 13, 2026 LOOK | Twenty-seven (27) beneficiaries under the first batch of the Special Program for Employment of Students (SPES) attended the orientation conducted by the Provincial Employment Service Office (PESO) of the Provincial Government of Sorsogon today, May 13, 2026, at the NGC Hall Building. The orientation aimed to brief the beneficiaries on the program guidelines, work assignments, responsibilities, and other important reminders prior to their deployment under the SPES program. #UnaAnSORSOGANON

Twenty-seven (27) beneficiaries of the Special Program for Employment of Students (SPES) attended the orientation conducted by the (PESO) Read More »

Prepositioning ng mga school supplies sa ilalim ng programang “Gamit Mo, Sagot Ko” Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon

May 11, 2026 TINGNAN | Nagsagawa ng prepositioning ng mga school supplies ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng programang “Gamit Mo, Sagot Ko” ng 7K Kadunungan nitong Mayo 11, 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Kabilang sa mga pinagdalhan ng mga gamit pang-eskwela ang iba’t ibang paaralan sa mga bayan ng Juban at Casiguran, habang ngayong araw, ika-12 ng Mayo ay sa mga paaralan sa Castilla naman upang matiyak na agad na maipapamahagi ang mga ito sa unang araw ng pasukan. Patuloy ang layunin ng Kapitolyo na masuportahan ang bawat mag-aaral at mabigyan sila ng sapat na kagamitan para sa mas maayos at mas handang pagbabalik-eskwela ng mga kabataang Sorsoganon. #UnaAnSORSOGANON

Prepositioning ng mga school supplies sa ilalim ng programang “Gamit Mo, Sagot Ko” Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon Read More »

Scroll to Top