Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon

January 25, 2025 TINGNAN: Mas pinalawak ang Governor’s Greening Program sa ika-12 araw nito ngayong ika-25 ng Enero! Pinuntahan ang mga barangay ng West, East, at Bacon District sa Sorsogon City kasama ang butihing Mayor Ester Hamor at buong konseho ng Sangguniang Panlungsod, mga department head ng City Government, pati na rin si Governor Boboy Hamor kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.  Mga barangay na napuntahan: West District: Salvacion, Buenavista, Rizal, Capuy, Basud, Bucalbucalan, Ticol, San Juan (Roro) East District: Abuyog, Marinas, Buhatan Bacon District: Poblacion, Rawis, San Juan, Sitio Tiris ng Brgy. Osiao, Sto. Domingo, Sta. Cruz, Del Rosario, San Pascual Mga punlang kasuy, langka, mangga, suha, santol, rambutan, pili, sampaloc, lansones, at iba pa ang itinanim at ipinamigay sa mga residente upang magbigay ng kabuhayan at magpatuloy sa layuning gawing mas luntian ang lalawigan ng Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON

Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon Read More »

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona

January 22, 2025 TINGNAN: Day 9 ng Governor’s Greening Program: Fruit Trees for Every Home, dumako naman sa mga bayan ng Gubat at Barcelona! Nagtanim at namigay ang Kapitolyo sa mga sumusunod na barangay sa Gubat: Bentuco, Naagtan, Bulacao, Tabi, Union, Sangat, at Sta. Ana; at sa bayan ng Barcelona: Sta. Lourdes, San Antonio, Olandia, Jibong, Tagdon, Poblacion Sur, at Poblacion Central. Sama-sama nating itaguyod ang luntiang kinabukasan ng ating probinsya! #UnaAnSORSOGANON

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona Read More »

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol

January 9, 2025 TINGNAN: Sa gitna ng matinding buhos ng ulan, tuloy pa rin ang mga empleyado ng Kapitolyo kasama ang butihing Governor Boboy Hamor sa Tree Planting Activity sa bayan ng Donsol kahapon, ika-8 ng Enero. Ito ay bahagi ng Governor’s Greening Program, ang “Fruit Trees for Every Home” kung saan namimigay at naghihikayat sa mga bahay-bahay na magtanim ng mga fruit-bearing trees. Ang mga barangay Banuang Gurang , Mabini, Sevilla, Bayawas at Sta. Cruz ang nabahagian ng iba’t ibang mga bungang-kahoy. #UnaAnSorsoganon

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol Read More »

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz

January 5, 2025 Patuloy sa paghikayat, inikot ni Governor Boboy Hamor kasama ang mga lokal na opisyal at kawani ng Kapitolyo ang mga barangay ng Talisayan, Manlabong, San Antonio, Lupi, Quidolog, Rizal, Tupas, sa Prieto Diaz para sa kampanya ng kanyang Greening Program na “Fruit Trees for Every Home.” #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon  

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz Read More »

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon

January 4, 2025 TINGNAN: Ngayong araw, ika-4 ng Enero, 2025, pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama si 2nd District Congressman Wowo Fortes, mga bokal at ilang empleyado ng Kapitolyo ang pagsisimula nang paglilibot sa iba’t ibang barangay sa probinsya upang magtanim ng mga fruit-bearing trees sa mga bakuran. Ito ay bahagi ng programang ‘Fruit Trees for every Home: Governor’s Greening Program,’ ng Pamahalaang Panlalawigan na ang pangunahing inisyatiba ay mas mahikayat ang bawat pamilyang Sorsoganon na magtanim ng puno sa kani-kanilang komunidad. Nais din nitong palakasin ang kampanya ng pangangalaga sa kalikasan, gayundin para maging sustinable ang mapagkukunan ng mga produktong prutas na magbibigay din ng hanapbuhay pagdating ng panahon. Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ay ang Cadandanan, Palale, Quirino, San Francisco, Jamorawon at Beguin sa bayan ng Bulan, kung saan ang mga residente ay nabigyan at ang kanilang mga bakuran ay nataniman ng mga punla katulad ng mangga, santol, sampalok, rambutan, langka at iba pa. #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon Read More »

7K KALIKASAN UPDATE

March 22, 2024 Sa selebrasyon ng International Day of Forest, isang Grow A Tree activity ang ginawa ng Kalikasan Program team ngayong araw, ika-21 ng Marso taong 2024 sa barangay ng Amomonting sa bayan ng Castilla. Kasama ang ilang opisyales at residente ng barangay, nakapagtanim sila ng nasa 100 puno ng Cacao, 100 puno ng Atis, 100 puno ng Narra at 210 puno ng Pili. Ang programa ay patuloy na nagsisikap para sa pangangalaga ng ating kalikasan. #UnaAnSorsoganon

7K KALIKASAN UPDATE Read More »

7K KALIKASAN UPDATE

March 19, 2024 “Kalikasan ay patuloy na alagaan at pagyamanin, magandang kinabukasan tiyak makakamit.” Dito sa Sorsogon, kaisa natin ang pamahalaang panlalawigan sa hangaring pagpapanatiling luntian ng ating kapaligiran at pangangalaga ng kalikasan. Regular na aktibidad ng 7K Kalikasan program ang pagtatanim ng mga puno sa iba’t ibang lugar sa lalawigan. Umabot na sa isang milyon ang mga naitanim at patuloy pa itong nadaragdagan. Ang mga punlang ito ay magsisilbing tahanan ng ating mayamang saribuhay at mapakikinabangan ng marami pang henerasyon. #UnaAnSorsoganon

7K KALIKASAN UPDATE Read More »

7K KALIKASAN UPDATE

February 22, 2024 Sa magkakahiwalay na grupo, nilibot ng mga personahe ng 7K Kalikasan program ang ilang munisipyo upang magsagawa ng site visit sa mga lugar na pagtataniman ng mga puno para sa kanilang proyektong 1 Million Trees Sorsogon Challenge. Isa sa mga binisita nitong project site ay ang 20 ektaryang lupain na sakop ng barangay Caditaan sa bayan ng Magallanes. #UnaAnSorsoganon

7K KALIKASAN UPDATE Read More »

7K KALIKASAN PROGRAM, NAKUHA ANG MILESTONE, MAY 1 MILYON NA PUNLANG PUNO NATANIM NA SA PROBINSYA NG SORSOGON

Ipinagdiriwang ng programang 7K Kalikasan, sa pangunguna ng PENRO LGU, ang isang makabuluhang tagumpay dahil nalampasan nito ang target na magtanim ng 1 milyong punla ng puno sa Lalawigan ng Sorsogon sa loob lamang ng isang taon. Ang mga kawani ng nabangit na opisina ay nasasabik, na tinutukoy ang tagumpay na ito bilang isang milestone sa kanilang mga pagsisikap na ibalik at mapangalagaan ang kapaligiran. Ang breakdown ng kabuuang bilang ng mga punla ng puno na itinanim sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ay ang mga sumusunod: * Lungsod ng Sorsogon: 150,763 * Casiguran: 49,027 * Juban: 55,233 * Irosin: 124,147 * Matnog: 33,778 * Magallanes: 52,315 * Bulan: 148,677 * Sta. Magdalena: 13,951 * Bulusan: 89,254 * Barcelona: 52,105 * Gubat: 22,473 * Pto. Diaz: 54,139 * Castilla: 48,504 * Pilar: 45,316 * Donsol: 61,989 Ang pinagsama-samang kabuuang punla ay umabot sa kahanga-hangang 1,001,671 punong punla na itinanim hangang Mayo 15, 2023. Sinabi ni Engr. Si Beth Fruto, ang program manager ng Kalikasan, na lubos ang kanilang pasasalamat sa bawat local government unit (LGU) sa lalawigan sa kanilang hindi matatawarang suporta. Ang mga LGU na ito ay aktibong lumahok sa programa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nursery sa loob ng kani-kanilang mga lokalidad, na nakakatulong nang malaki sa pangkalahatang tagumpay ng inisyatiba. Ayon pa kay Engr. Fruto na sa pasulong ng programa ang pokus ngayon ay lilipat sa pagsubaybay sa pagpapalaki at pag-unlad ng mga nakatanim na puno. Ipagpapatuloy ng programa ang pagsisikap nitong magtanim ng mga punla ng puno sa buong lalawigan, na tinitiyak ang sustainability at pangmatagalang epekto ng 7K Kalikasan program. Ipinahayag naman ni Governor Boboy Hamor ang kanyang pagmamalaki at pasasalamat sa pagsusumikap at dedikasyon ng mga support staff ng 7K Kalikasan program at lahat ng mga involve sa tagumpay na ito. Pinuri niya ang mga alkalde ng mga lokal na pamahalaan ng lalawigan para sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pangangalaga sa kapaligiran at ang kanilang mahalagang papel sa tagumpay ng programa. Magkahalong mga variety ng mga punla ang itinatanim sa ilalim ng programa tulad ng narra, mahogany, molave, lapnisan, mangroves, bamboo, kakawate, pili, guyabano, rambutan , cacao, santol, atis, langka, makopa, kalamansi at kasuy. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng 1 milyong punla ng puno, ang Lalawigan ng Sorsogon ay nagpapakita ng maliwanag na halimbawa ng pangangalaga sa kapaligiran at ang positibong epekto na maaaring makamit sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap. #UnaAnSORSOGANON

7K KALIKASAN PROGRAM, NAKUHA ANG MILESTONE, MAY 1 MILYON NA PUNLANG PUNO NATANIM NA SA PROBINSYA NG SORSOGON Read More »

Ang pagtatanim ng punong kahoy ay hindi lamang para sa ngayon, kung hindi para sa mga susunod pang henerasyon.

April 22, 2023 Kaugnay ng selebrasyon ng Earth Day 2023, naging matagumpay ang tree planting activity ng Kalikasan Program Team sa pangunguna ni Gng. Maribeth Fruto ng Provincial Environment and Natural Resources Office kasama ang iba pang ahensya ng probinsya sa Sitio San Lorenzo, Bibincahan Sorsogon City. Mayroong kabuoang 500 iba’t-ibang seedlings ang naitanim tulad ng Cacao, Pili, Rambutan, Dao at iba pa. #UnaAnSORSOGANON #EarthDay2023

Ang pagtatanim ng punong kahoy ay hindi lamang para sa ngayon, kung hindi para sa mga susunod pang henerasyon. Read More »

Scroll to Top