Official Website

Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon

January 25, 2025 TINGNAN: Mas pinalawak ang Governor’s Greening Program sa ika-12 araw nito ngayong ika-25 ng Enero! Pinuntahan ang mga barangay ng West, East, at Bacon District sa Sorsogon City kasama ang butihing Mayor Ester Hamor at buong konseho ng Sangguniang Panlungsod, mga department head ng City Government, pati na rin si Governor Boboy Hamor kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.  Mga barangay na napuntahan: West District: Salvacion, Buenavista, Rizal, Capuy, Basud, Bucalbucalan, Ticol, San Juan (Roro) East District: Abuyog, Marinas, Buhatan Bacon District: Poblacion, Rawis, San Juan, Sitio Tiris ng Brgy. Osiao, Sto. Domingo, Sta. Cruz, Del Rosario, San Pascual Mga punlang kasuy, langka, mangga, suha, santol, rambutan, pili, sampaloc, lansones, at iba pa ang itinanim at ipinamigay sa mga residente upang magbigay ng kabuhayan at magpatuloy sa layuning gawing mas luntian ang lalawigan ng Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON

Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon Read More »

Espesyal na Pagpupulong para sa Kapayapaan at Kaayusan sa Sorsogon, Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor

January 23, 2025 TINGNAN: Nagpatawag si Governor Boboy Hamor ng espesyal na pagpupulong kaninang alas-7 ng umaga sa Camp Escudero kasama ang mga kawani ng 7K Katrangkiluhan, PNP, PSWDO, CSWD, at mga indibidwal na may record sa mga barangay ng Almendras, Sampaloc, at Balogo, Sorsogon City. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang seguridad at ipinabatid din ni Governor Boboy Hamor ang kanyang seryosong hangarin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsya. Pinaalalahanan niya ang mga dumalo na hindi palalampasin ang sinumang magdudulot ng kaguluhan o karahasan at ipatutupad ang nararapat na parusa sa mga lalabag. Hinimok din niya ang lahat na makiisa at maging katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa buong Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON #7KKatrangkiluhan

Espesyal na Pagpupulong para sa Kapayapaan at Kaayusan sa Sorsogon, Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor Read More »

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona

January 22, 2025 TINGNAN: Day 9 ng Governor’s Greening Program: Fruit Trees for Every Home, dumako naman sa mga bayan ng Gubat at Barcelona! Nagtanim at namigay ang Kapitolyo sa mga sumusunod na barangay sa Gubat: Bentuco, Naagtan, Bulacao, Tabi, Union, Sangat, at Sta. Ana; at sa bayan ng Barcelona: Sta. Lourdes, San Antonio, Olandia, Jibong, Tagdon, Poblacion Sur, at Poblacion Central. Sama-sama nating itaguyod ang luntiang kinabukasan ng ating probinsya! #UnaAnSORSOGANON

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona Read More »

Personal na Pagbisita ni Governor Boboy Hamor sa mga Opisina ng Kapitolyo para Tiyakin ang Maayos na Serbisyo

January 22, 2025 TINGNAN: Sa patuloy na pagsisikap para mapabuti ang serbisyo-publiko, personal na ininspeksyon ni Governor Boboy Hamor ang mga opisina ng Kapitolyo upang kumustahin ang kalagayan ng mga empleyado at tiyakin ang maayos na operasyon sa bawat departamento. Ang ganitong surprise visit ay nagdudulot ng mas positibong epekto sa mga empleyado—nagpapalakas ng kanilang morale, nagpapakita ng malasakit ng liderato at nagbibigay ng inspirasyon para magpatuloy sa tapat at masigasig na pagtatrabaho para sa kapakanan ng publiko. #UnaAnSORSOGANON #GoodGovernance

Personal na Pagbisita ni Governor Boboy Hamor sa mga Opisina ng Kapitolyo para Tiyakin ang Maayos na Serbisyo Read More »

Ceremonial Groundbreaking ng Sorsogon 2nd District Provincial Hospital sa Irosin, Isinagawa

January 17, 2025 Pinangunahan ngayong araw nina Governor Boboy Hamor at 2nd District Congressman Wowo Fortes ang makasaysayang ceremonial groundbreaking ng itatayong Sorsogon 2nd District Provincial Hospital sa Barangay Buenavista, Irosin, Sorsogon. Ang proyektong ito, na may target na simulan ang konstruksyon sa susunod na buwan, ay naglalayong magkaroon ng 250-bed capacity na ospital na kumpleto sa makabago at de-kalidad na mga pasilidad at kagamitan. Layon ng bagong ospital na maibsan ang pagsisiksikan sa Sorsogon Provincial Hospital, dahil dito na maaaring magpagamot ang mga pasyente mula sa mga karatig-bayan ng Bulan, Sta. Magdalena, Matnog, Bulusan, at Juban. Ayon kay Governor Boboy Hamor, ito ay isang patunay na walang imposibleng maabot kung pinagsama ang kanyang matibay na hangarin at ang pag-pursige ni Congressman Wowo Fortes para sa ikauunlad ng lalawigan. “Ang proyektong ito ay hindi lamang simbolo ng progreso kundi ng tunay na malasakit sa ating mga kababayan. Ang hangarin natin ay masigurong may sapat at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Sorsoganon,” ani ni Governor Hamor sa kanyang talumpati. Kasama rin sa seremonya sina Vice Governor Jun Escudero, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, lokal at barangay na opisyal ng Irosin, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH). Dumalo rin ang iba’t ibang pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan bilang suporta sa proyekto. Binanggit din ni Congressman Fortes na ang proyektong ito ay isa lamang sa mga pangunahing hakbang upang maisulong ang mas mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa ikalawang distrito ng Sorsogon. “Hindi ito ang wakas kundi simula pa lamang ng ating mga plano upang dalhin ang mas maayos na kinabukasan para sa ating mga kababayan,” ani Fortes. Inaasahang ang bagong ospital ay magiging isang modernong pasilidad na may kakayahang tugunan ang iba’t ibang kaso, mula sa pangkalahatang check-up hanggang sa mas seryosong paggamot. Higit pa rito, magsisilbi rin itong lugar ng pag-asa para sa mga residente ng lalawigan na nangangailangan ng serbisyong medikal na mas malapit at mas accessible. Sa pagtatapos ng seremonya, pinasalamatan ni Governor Hamor ang lahat ng mga ahensya at indibidwal na tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito. Aniya, ang proyekto ay isa lamang sa marami pang nakaplanong inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan para sa kapakanan ng mga Sorsoganon. #UnaAnSorsoganon

Ceremonial Groundbreaking ng Sorsogon 2nd District Provincial Hospital sa Irosin, Isinagawa Read More »

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol

January 9, 2025 TINGNAN: Sa gitna ng matinding buhos ng ulan, tuloy pa rin ang mga empleyado ng Kapitolyo kasama ang butihing Governor Boboy Hamor sa Tree Planting Activity sa bayan ng Donsol kahapon, ika-8 ng Enero. Ito ay bahagi ng Governor’s Greening Program, ang “Fruit Trees for Every Home” kung saan namimigay at naghihikayat sa mga bahay-bahay na magtanim ng mga fruit-bearing trees. Ang mga barangay Banuang Gurang , Mabini, Sevilla, Bayawas at Sta. Cruz ang nabahagian ng iba’t ibang mga bungang-kahoy. #UnaAnSorsoganon

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol Read More »

PAGTIRIPON 2025: Sama-samang Pagtugon para sa Mas Maunlad na Sorsogon sa ilalim ng 7K PLUS Program

January 6, 2024 Tulad ng taunang nakagawian, muling pinulong ni Governor Boboy Hamor ang mga permanente at job order workers ng Kapitolyo para sa “PAGTIRIPON 2025.” Ang nasabing pagpupulong ay may temang “Sarong Direksyon, Sarong Aksyon,” primera klaseng serbisyo para sa padagos na kaayadan kan Sorsogon. Dito, nagpahayag ng pasasalamat ang Goberdanor sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan sa ipinakita nitong kooperasyon upang maisakatuparan ang mga proyekto’t programa na isinusulong ng administrasyon partikular ang 7K Program. Dagdag pa, muling hiniling ni Governor Hamor sa lahat na patuloy siyang suportahan higit na ngayong 2025, kung saan mas pinalawak nito ang kanyang programa na tatawaging 7K PLUS Program. Kasabay nito, ipinakilala rin ang mga bagong project manager ng programa kung saan si Julius Edma ang bagong talaga sa Kagandahan Program, Thess Destura sa Kabuhayan Program, habang mananatili sina Dong Mendoza sa Kalusugan, Art Balmadrid sa Kadunungan, Beth Fruto sa Kalikasan, Eric Ravanilla sa Katrangkiluhan at Elsie Toca sa Kalinigan Program habang sinAtty. Cesar Balmaceda naman ang bagong overall program manager ng 7K. #UnaAnSorsoganon

PAGTIRIPON 2025: Sama-samang Pagtugon para sa Mas Maunlad na Sorsogon sa ilalim ng 7K PLUS Program Read More »

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz

January 5, 2025 Patuloy sa paghikayat, inikot ni Governor Boboy Hamor kasama ang mga lokal na opisyal at kawani ng Kapitolyo ang mga barangay ng Talisayan, Manlabong, San Antonio, Lupi, Quidolog, Rizal, Tupas, sa Prieto Diaz para sa kampanya ng kanyang Greening Program na “Fruit Trees for Every Home.” #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon  

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz Read More »

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon

January 4, 2025 TINGNAN: Ngayong araw, ika-4 ng Enero, 2025, pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama si 2nd District Congressman Wowo Fortes, mga bokal at ilang empleyado ng Kapitolyo ang pagsisimula nang paglilibot sa iba’t ibang barangay sa probinsya upang magtanim ng mga fruit-bearing trees sa mga bakuran. Ito ay bahagi ng programang ‘Fruit Trees for every Home: Governor’s Greening Program,’ ng Pamahalaang Panlalawigan na ang pangunahing inisyatiba ay mas mahikayat ang bawat pamilyang Sorsoganon na magtanim ng puno sa kani-kanilang komunidad. Nais din nitong palakasin ang kampanya ng pangangalaga sa kalikasan, gayundin para maging sustinable ang mapagkukunan ng mga produktong prutas na magbibigay din ng hanapbuhay pagdating ng panahon. Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ay ang Cadandanan, Palale, Quirino, San Francisco, Jamorawon at Beguin sa bayan ng Bulan, kung saan ang mga residente ay nabigyan at ang kanilang mga bakuran ay nataniman ng mga punla katulad ng mangga, santol, sampalok, rambutan, langka at iba pa. #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon Read More »

Scroll to Top