Enhance 7K Program

January 22, 2024

LGU UPDATE:

Bukod sa ginawang presentasyon ng 2024 Enhance 7K Program ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa lahat ng alkalde noong ika-16 ng Enero, sa Provincial Gymnasium, patuloy na umiikot si Governor Boboy Hamor sa lahat ng munisipyo upang gawin ang katulad.

Nitong ika-17 hanggang ika-20 ng Enero, kasama ang program at project managers ng bawat programa, ilang hepe ng departamento, mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan at ilang lokal na opisyal, nagtungo ang Gobernador sa mga munisipyo ng Donsol, Pilar, Bulan at Matnog upang personal na ipresenta sa mga opisyales ng barangay ng bawat bayan ang naturang mga programa.

Dito, inilatag ni Governor Hamor ang mas pina-unlad na 7K Program (Kabuhayan, Kalusugan, Kadunungan, Katrangkiluhan, Kalikasan, Kalinigan at Kagandahan) na naglalayong mas maraming Sorsoganon ang maserbisyuhan.

Dagdag pa, ipinaliwanag din nito ang kahalagahan ng mga barangay officials bilang kapartner nito sa implementasyon, kung kaya’t hiniling nito ang patuloy na kooperasyon para sa tagumpay ng programa.

#UnaAnSorsoganon

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top