Tig-isang sakong bigas sa bawat Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Child Development Workers, at Barangay Tanods sa lahat ng barangay sa bayan ng Matnog.

February 16, 2023

Mismong sina Governor Boboy Hamor , 2nd District Congressman Wowo Fortes, Mayor Catleya So, Vice Governor Jun Escudero ang namahagi ngayong araw ng tig-isang sakong bigas sa bawat Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Child Development Workers, at Barangay Tanods sa lahat ng barangay sa bayan ng Matnog.

Sa talumpati ni Governor Boboy, sinabi niya na kinikilala niya ang sakripisyo ng bawat barangay worker kaya marapat lamang na bigyang halaga ng kapitolyo sa simpleng mga pamamaraan ang kanilang serbisyo.

Kasama rin sa okasyon ngayong araw ang mga miembro ng Sangguniang Bayan ng Matnog at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top