Dumalo si Governor Boboy Hamor sa isinagawang Public Consultation ng Sangguniang Panlalawigan

Dumalo si Governor Boboy Hamor sa isinagawang Public Consultation ng Sangguniang Panlalawigan sa mga empleyado ng iba’t-ibang ospital na pinapatakbo ng pamahalaang panlalawigan kasama ang ilang mga Alkalde ngayong hapon sa Sorsogon Provincial Gymnasium.

Ito ay upang masiguro ng Gobernador na mako-konsulta ang mga empleyado para sa usapin ng PhilHealth Sharing at maging ang concern sa nakatakdang pagpapatupad ng libreng dialysis para sa mga pasyenteng Sorsoganon.

Ipinaabot na din ni Governor Boboy ang plano ng kanyang administrasyon ng paglalagay ng MRI sa Sorsogon Provincial Hospital ngayon taon. Kung maisakatuparan ang plano magiging unang lalawigan sa buong Bicol ang Sorsogon na magkakaron ng MRI machine.

Naging positibo naman ang resulta ng naturang pagpupulong.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top