LIBRENG DIALYSIS CENTER, NAKATAKDANG ITAYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NGAYONG TAON

January 10, 2023

Nakatakdang simulan sa mga susunod na araw ang pagpapatayo ng libreng dialysis center ng pamahalaang panlalawigan sa mga bayan ng Gubat at Irosin.

Mayroong kabuoang 50 dialysis machine ang bibilhin ng kapitolyo kung saan may alokasyong tig-25 dialysis machines ang Gubat at Irosin.

Ito ang kinumpirma ni Governor Boboy Hamor sa isinagawang kick-off meeting ngayong araw sa mga Alkalde at ilang lokal na opisyal. Ayon kay Governor Boboy, nasa proseso na ang Provincial Health Office para sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Ang nasabing dialysis center ay malaking tulong sa lahat, partikular na ang mga hirap sa pinansyal na aspeto lalo pa at sinabi ng Gobernador na libre lamang dito ang pag-avail ng serbisyong medikal.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top