GOVERNOR HAMOR , PERSONAL NA NAKIPAG-USAP SA MGA APEKTADONG RESIDENTE NG BACON DOMESTIC AIRPORT

March 11, 2024

Personal na nakipag-usap si Sorsogon Governor Boboy Hamor sa mga may-ari at tenant ng lupa na maapektuhan ng proyektong itatayong Bacon Domestic Airport. Ang pagpupulong na ito ay naganap isang araw bago ang simula ng mga civil works sa proyekto.
Sa harap ng mga apektadong residente, ipinangako ni Governor Hamor at nagbigay ng katiyakan na tutulungan ng pamahalaang panlalawigan ang mga apektado ng proyektong ito. Iginiit din niya na walang gigibaing mga bahay nang hindi maayos na binabayaran ang mga may-ari at tenant ng lupa, na nagdulot ng kasiyahan sa mga dumalo sa pagpupulong.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng gobernador na ang progreso ng ekonomiya ng Sorsogon ay nararamdaman na kung kaya’t kinakailangan nang itayo ang nasabing paliparan. Pinasalamatan ng mga apektadong indibidwal ang pagdalo ng gobernador at linawin sa kanila ang direksyon ng proyekto.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top