Official Website

Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon

January 25, 2025 TINGNAN: Mas pinalawak ang Governor’s Greening Program sa ika-12 araw nito ngayong ika-25 ng Enero! Pinuntahan ang mga barangay ng West, East, at Bacon District sa Sorsogon City kasama ang butihing Mayor Ester Hamor at buong konseho ng Sangguniang Panlungsod, mga department head ng City Government, pati na rin si Governor Boboy Hamor kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.  Mga barangay na napuntahan: West District: Salvacion, Buenavista, Rizal, Capuy, Basud, Bucalbucalan, Ticol, San Juan (Roro) East District: Abuyog, Marinas, Buhatan Bacon District: Poblacion, Rawis, San Juan, Sitio Tiris ng Brgy. Osiao, Sto. Domingo, Sta. Cruz, Del Rosario, San Pascual Mga punlang kasuy, langka, mangga, suha, santol, rambutan, pili, sampaloc, lansones, at iba pa ang itinanim at ipinamigay sa mga residente upang magbigay ng kabuhayan at magpatuloy sa layuning gawing mas luntian ang lalawigan ng Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON

Mas Pinalawak na Governor’s Greening Program: Kabuhayan at Kalikasan para sa Luntian at Maunlad na Sorsogon Read More »

Espesyal na Pagpupulong para sa Kapayapaan at Kaayusan sa Sorsogon, Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor

January 23, 2025 TINGNAN: Nagpatawag si Governor Boboy Hamor ng espesyal na pagpupulong kaninang alas-7 ng umaga sa Camp Escudero kasama ang mga kawani ng 7K Katrangkiluhan, PNP, PSWDO, CSWD, at mga indibidwal na may record sa mga barangay ng Almendras, Sampaloc, at Balogo, Sorsogon City. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang seguridad at ipinabatid din ni Governor Boboy Hamor ang kanyang seryosong hangarin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsya. Pinaalalahanan niya ang mga dumalo na hindi palalampasin ang sinumang magdudulot ng kaguluhan o karahasan at ipatutupad ang nararapat na parusa sa mga lalabag. Hinimok din niya ang lahat na makiisa at maging katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa buong Sorsogon. #UnaAnSORSOGANON #7KKatrangkiluhan

Espesyal na Pagpupulong para sa Kapayapaan at Kaayusan sa Sorsogon, Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor Read More »

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona

January 22, 2025 TINGNAN: Day 9 ng Governor’s Greening Program: Fruit Trees for Every Home, dumako naman sa mga bayan ng Gubat at Barcelona! Nagtanim at namigay ang Kapitolyo sa mga sumusunod na barangay sa Gubat: Bentuco, Naagtan, Bulacao, Tabi, Union, Sangat, at Sta. Ana; at sa bayan ng Barcelona: Sta. Lourdes, San Antonio, Olandia, Jibong, Tagdon, Poblacion Sur, at Poblacion Central. Sama-sama nating itaguyod ang luntiang kinabukasan ng ating probinsya! #UnaAnSORSOGANON

Day 9 ng Governor’s Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Gubat at Barcelona Read More »

Pan sa Paaralan: Tagumpay sa 100% Pagtulong sa mga Mag-aaral ng Sorsogon

January 20, 2025 TINGNAN: Nagkaroon ng information dissemination ukol sa “Pan sa Paaralan” sa bayan ng Gubat sa iba’t ibang school heads at principals sa mababang paaralan nitong nakaraang Biyernes, ika-17 ng Enero, 2025. Ang Pan sa Paaralan ay nasa ilalim ng programang 7K Kadunungan, kung saan namamahagi ito ng libreng tinapay sa mga mag-aaral sa elementarya sa buong lalawigan. Ang implementasyon ng programang ito ay naging matagumpay, 100% kumpleto na nabahagian ang iba’t ibang paaralang elementarya sa 14 munisipalidad at syudad sa probinsya. #UnaAnSorsoganon #7KKadunungan  

Pan sa Paaralan: Tagumpay sa 100% Pagtulong sa mga Mag-aaral ng Sorsogon Read More »

Suporta para sa Parakaragumoy: 646 Handicraft Weavers sa Bulusan at Sta. Magdalena Tumanggap ng Ayuda

January 16, 2025 TINGNAN: Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga parakaragumoy. Ngayong araw, natanggap ng 596 na handicraft weavers sa bayan ng Bulusan at 50 sa Sta. Magdalena ang mga ayudang bigas. Salamat sa inyong dedikasyon sa sining at kultura! #UnaAnSorsoganon #7KKabuhayan  

Suporta para sa Parakaragumoy: 646 Handicraft Weavers sa Bulusan at Sta. Magdalena Tumanggap ng Ayuda Read More »

Tagumpay sa 4th Quarter Rice Distribution: Ayuda at Suporta para sa Kabuhayan sa Pilar

January 15, 2025 TINGNAN: Sa ika-4th quarter ng Rice Distribution ng taong 2024, matagumpay na namahagi ng ayuda ngayong araw ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga parakaragumoy sa Brgy. Naspi at Brgy. Mabanate sa bayan ng Pilar. Kasabay nito, nagbigay din ng tulong para sa mga operator at driver ng modernized jeepneys bilang suporta sa kanilang kabuhayan. Ang mga nasabing ayuda ay bahagi ng programang 7K Kabuhayan na naglalayong suportahan ang sektor ng kabuhayan sa buong lalawigan. #UnaAnSorsoganon

Tagumpay sa 4th Quarter Rice Distribution: Ayuda at Suporta para sa Kabuhayan sa Pilar Read More »

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol

January 9, 2025 TINGNAN: Sa gitna ng matinding buhos ng ulan, tuloy pa rin ang mga empleyado ng Kapitolyo kasama ang butihing Governor Boboy Hamor sa Tree Planting Activity sa bayan ng Donsol kahapon, ika-8 ng Enero. Ito ay bahagi ng Governor’s Greening Program, ang “Fruit Trees for Every Home” kung saan namimigay at naghihikayat sa mga bahay-bahay na magtanim ng mga fruit-bearing trees. Ang mga barangay Banuang Gurang , Mabini, Sevilla, Bayawas at Sta. Cruz ang nabahagian ng iba’t ibang mga bungang-kahoy. #UnaAnSorsoganon

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol Read More »

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz

January 5, 2025 Patuloy sa paghikayat, inikot ni Governor Boboy Hamor kasama ang mga lokal na opisyal at kawani ng Kapitolyo ang mga barangay ng Talisayan, Manlabong, San Antonio, Lupi, Quidolog, Rizal, Tupas, sa Prieto Diaz para sa kampanya ng kanyang Greening Program na “Fruit Trees for Every Home.” #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon  

Pagpapalaganap ng Greening Program: ‘Fruit Trees for Every Home’ Umabot sa Prieto Diaz Read More »

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon

January 4, 2025 TINGNAN: Ngayong araw, ika-4 ng Enero, 2025, pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama si 2nd District Congressman Wowo Fortes, mga bokal at ilang empleyado ng Kapitolyo ang pagsisimula nang paglilibot sa iba’t ibang barangay sa probinsya upang magtanim ng mga fruit-bearing trees sa mga bakuran. Ito ay bahagi ng programang ‘Fruit Trees for every Home: Governor’s Greening Program,’ ng Pamahalaang Panlalawigan na ang pangunahing inisyatiba ay mas mahikayat ang bawat pamilyang Sorsoganon na magtanim ng puno sa kani-kanilang komunidad. Nais din nitong palakasin ang kampanya ng pangangalaga sa kalikasan, gayundin para maging sustinable ang mapagkukunan ng mga produktong prutas na magbibigay din ng hanapbuhay pagdating ng panahon. Kabilang sa mga barangay na pinuntahan ay ang Cadandanan, Palale, Quirino, San Francisco, Jamorawon at Beguin sa bayan ng Bulan, kung saan ang mga residente ay nabigyan at ang kanilang mga bakuran ay nataniman ng mga punla katulad ng mangga, santol, sampalok, rambutan, langka at iba pa. #UnaAnSorsoganon #BeautifulSorsogon

Paglunsad ng ‘Fruit Trees for Every Home’: Governor’s Greening Program Umiikot sa Sorsogon Read More »

Scroll to Top