Official Website

Unang araw ng pasukan, unang araw din ng pagbisita!

June 8, 2026 Personal na binisita ni Governor Boboy Hamor ang Butag National High School, Butag Elementary School, at Sagrada Elementary School sa bayan ng Bulan, gayundin ang Sua National High School at Sua Elementary School sa bayan ng Matnog upang kumustahin ang mga mag-aaral, guro, at mga magulang sa pagbubukas ng School Year 2026–2027. Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa edukasyon sa pamamagitan ng 7K Kadunungan Program upang matiyak na maayosat makabuluhang pag-aaral para sa bawat batang Sorsoganon. #UnaAnSorsoganon

Unang araw ng pasukan, unang araw din ng pagbisita! Read More »

Governor Boboy Hamor attended the opening of classes at Butag Elementary School in Bulan

June 8, 2026 LOOK | Governor Boboy Hamor attended the opening of classes at Butag Elementary School in Bulan and joined the school’s first flag ceremony for School Year 2026–2027. His presence reflects the Provincial Government’s continued support for education under the 7K Kadununagan Program by providing students learning materials and its commitment to helping every young Sorsoganon achieve their dreams through learning. #UnaAnSorsoganon

Governor Boboy Hamor attended the opening of classes at Butag Elementary School in Bulan Read More »

Governor Boboy Hamor has officially handed over to the Department of Education the letter expressing the Province of Sorsogon’s formal intention to host the 2028 Palarong Pambansa

May 26, 2026 LOOK | Governor Boboy Hamor has officially handed over to the Department of Education the letter expressing the Province of Sorsogon’s formal intention to host the 2028 Palarong Pambansa. With Sorsogon continuously strengthening its sports facilities and athlete development programs the province is now ready to take on the challenge of hosting the country’s biggest sporting event for student athletes. Let’s support and pray for this national sporting event to happen in Sorsogon! Let’s do this, Sorsogon! #UnaAnSorsoganon

Governor Boboy Hamor has officially handed over to the Department of Education the letter expressing the Province of Sorsogon’s formal intention to host the 2028 Palarong Pambansa Read More »

Governor Boboy Hamor visited the athletes of Sorsogon City at their billeting area at Bayugan Central Elementary School in Bayugan City

May 23, 2026 LOOK | On the eve of the opening ceremony of the Palarong Pambansa in the Province of Agusan del Sur, Governor Boboy Hamor visited the athletes of Sorsogon City at their billeting area at Bayugan Central Elementary School in Bayugan City. The governor personally conveyed his support and wished the athletes the very best as they proudly represent Sorsogon and the Bicol Region in this year’s Palaro. Governor Boboy also joined Naga City Mayor and former Vice President Leni Robredo in paying a courtesy visit to Bayugan City Mayor Kirk Asis ahead of the much anticipated national sporting event. #UnaAnSorsoganon

Governor Boboy Hamor visited the athletes of Sorsogon City at their billeting area at Bayugan Central Elementary School in Bayugan City Read More »

MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING PINANGUNAHAN NI GOVERNOR BOBOY HAMOR

May 19, 2026 Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama ang Provincial Planning and Development Office ang isinagawang Municipal Development Council Meeting kaugnay ng paghahanda para sa planning period ng Disyembre 2026, kung saan tinalakay ang wastong paglalatag at implementasyon ng mga prayoridad na proyekto ng mga Local Government Units. Binigyang-diin ni Governor Hamor na kinakailangang naka-align ang mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan at sumunod sa tamang proseso ng implementasyon, kabilang ang kumpletong detalye gaya ng project title, implementing schedule, total cost, funding source, implementing period, implementing office at iba pa. Layunin ng pulong na matiyak ang maayos, organisado, at episyenteng pagpapatupad ng mga programa’t proyekto na magbibigay benepisyo sa mga komunidad sa lalawigan. #UnaAnSORSOGANON

MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING PINANGUNAHAN NI GOVERNOR BOBOY HAMOR Read More »

Pormal nang binasbasan at pinasinayaan ang bagong Central Birthing Home Facility sa lungsod sa pangunguna nina Sorsogon City Mayor Ester Hamor at Governor Boboy Hamor

May 18, 2026 TINGNAN | Pormal nang binasbasan at pinasinayaan ngayong araw, ika-18 ng Mayo, 2026 ang bagong Central Birthing Home Facility sa lungsod na matatagpuan sa barangay San Juan Roro, sa pangunguna nina Sorsogon City Mayor Ester Hamor at Governor Boboy Hamor kasama ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, City at Provincial Health Office (PHO). Layunin ng bagong pasilidad na mapalapit at mapabuti pa ang serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at sanggol, gayundin ang pagbibigay ng mas ligtas at maayos na maternal healthcare services para sa mga Sorsoganon. #UnaAnSORSOGANON

Pormal nang binasbasan at pinasinayaan ang bagong Central Birthing Home Facility sa lungsod sa pangunguna nina Sorsogon City Mayor Ester Hamor at Governor Boboy Hamor Read More »

ANG LUGAR NA TAHIMIK AY MAGANDA AT NAKAKAPAGPATANAG LOOB

May 12, 2026 Ito ang naging pahayag ni Sorsogon Governor Boboy Hamor kasabay ng pagtatapos nito ng pagbisita sa mga himpilan ng pulisya sa lalawigan ngayong araw bilang bahagi ng kanyang patuloy na kampanya para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa probinsya. Maaga pa lamang ay nagtungo na ang gobernador sa Magallanes MPS bilang unang himpilan na kanyang binisita. Dito ay pinuri ni Governor Boboy ang mga kapulisan dahil sa mababang crime rate sa bayan ng Magallanes, bagay na aniya’y sumasalamin sa maayos na pagpapatupad ng batas at aktibong pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa munisipyo. Matapos ang Magallanes, sunod-sunod na ring binisita ng gobernador ang mga himpilan ng pulisya sa mga bayan ng Bulan, Irosin, Matnog, Sta. Magdalena, Barcelona, Bulusan, Gubat at Prieto Diaz kung saan personal niyang kinausap at binigyang direksyon ang mga uniformed personnel hinggil sa kanyang layunin na mapanatiling ligtas at mapayapa ang buong lalawigan ng Sorsogon. Sa bawat istasyon, muling iginiit ni Governor Boboy ang kahalagahan ng police visibility, maagap na pagtugon sa anumang insidente, at pagpapatibay ng relasyon ng kapulisan sa mamamayan upang mapanatili ang tiwala ng publiko at maiwasan ang kriminalidad. Binigyang diin din ng gobernador na malaking bagay para sa mga Sorsoganon ang maramdaman na ligtas sila sa kanilang mga bayan, lalo na ngayong patuloy ang pagbubukas ng iba’t ibang aktibidad pangkabuhayan at pang-edukasyon sa lalawigan. #UnaAnSorsoganon

ANG LUGAR NA TAHIMIK AY MAGANDA AT NAKAKAPAGPATANAG LOOB Read More »

IKALAWANG ARAW NG PAG-IIKOT NI GOVERNOR BOBOY HAMOR SA MGA MUNICIPAL POLICE STATIONS SA LALAWIGAN

May 12, 2026 TINGNAN | Ikalawang araw na ng pag-iikot ni Governor Boboy Hamor sa mga municipal police stations sa lalawigan upang personal na tiyakin ang kahandaan ng kapulisan para sa maayos at ligtas na pagbubukas ng klase. Kaninang alas-4:45 ng madaling araw, dumating ang gobernador sa bayan ng Magallanes kung saan muli niyang binigyang diin sa mga uniformed personnel ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan, disiplina at mas pinaigting na peace and order situation lalo na ngayong nalalapit ang school opening. Kasama ng gobernador sa nasabing pagbisita sina Magallanes Mayor Len Ragragio at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan bilang pagpapakita ng suporta sa layunin ng lalawigan na mapanatili ang ligtas at maayos na lalawigan para sa mga Sorsoganon. #UnaAnSorsoganon

IKALAWANG ARAW NG PAG-IIKOT NI GOVERNOR BOBOY HAMOR SA MGA MUNICIPAL POLICE STATIONS SA LALAWIGAN Read More »

GOVERNOR BOBOY HAMOR, NAGSAGAWA NG SERYE NG PAGBISITA SA ANIM NA HIMPILAN NG PULISYA SA LALAWIGAN

May 11, 2026 Maagang sinimulan ni Governor Boboy Hamor ngayong araw ang sunod sunod na pagbisita sa anim na Municipal Police Stations sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagtutok sa pagpapanatili ng peace and order sa probinsiya. Bandang alas-5:11 ng madaling araw nang unang dumating ang gobernador sa Donsol Municipal Police Station kung saan personal niyang inalam ang kasalukuyang sitwasyon ng peace and order sa bayan gayundin ang paghahanda ng mga pulis sa iba’t ibang usapin sa seguridad at kaligtasan lalo na ngayong malapit na ang pasukan. Mula Donsol ay nagtuloy-tuloy ang pagbisita ni Governor Boboy sa iba pang himpilan ng pulisya sa lalawigan sa sumusunod na schedule: * Pilar Municipal Police Station – 6:15 AM * Castilla Municipal Police Station – 7:44 AM * Sorsogon City Police Station – 9:33 AM * Casiguran Municipal Police Station – 10:43 AM * Juban Municipal Police Station – 11:15 AM Sa bawat police station na kanyang binisita, personal na nakinig ang gobernador sa situational report na ibinahahi ng bawat Chief of Police kaugnay ng peace and order condition, crime situation, police deployment, at iba pang hakbang upang mapanatiling ligtas ang kani-kanilang nasasakupan. Binigyang diin ni Governor Boboy ang kahalagahan ng maayos at mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya ng Philippine National Police upang mapanatili ang mababang crime rate sa lalawigan. Hinikayat din nito ang mga kapulisan na ipagpatuloy ang pagpapalakas ng police visibility lalo na sa mga barangay, pampublikong lugar at mga paaralan upang lalong maramdaman ng mga Sorsoganon ang presensya ng pamahalaan at ng mga alagad ng batas. Nagbahagi rin ng mga mungkahi at pananaw ang gobernador hinggil sa mga paraan upang higit pang mapahusay ang serbisyo at operasyon ng pulisya sa bawat bayan. Kasabay nito ay pinuri rin ni Governor Boboy ang pamumuno ni P/Col. Alex Daniel bilang Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office dahil sa nakikita nitong positibong resulta sa peace and order situation ng lalawigan, partikular sa mababang crime rate sa mga bayan na kanyang binisita ngayong araw. Ayon pa sa gobernador, mahalaga para sa isang opisyal ng pamahalaan ang personal na pagpunta sa mga bayan at tanggapan upang makita mismo ang tunay na kalagayan sa ground. Aniya, hindi sapat ang mga ulat lamang dahil mas malinaw na nauunawaan ang sitwasyon kapag personal itong nasasaksihan at napapakinggan mula sa mga taong direktang nagtatrabaho sa lalawigan. Ipinakita rin ng naturang pagbisita ang patuloy na hands-on leadership ng gobernador sa pangangasiwa sa mga usaping may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng bawat Sorsoganon. #UnaAnSorsoganon

GOVERNOR BOBOY HAMOR, NAGSAGAWA NG SERYE NG PAGBISITA SA ANIM NA HIMPILAN NG PULISYA SA LALAWIGAN Read More »

Scroll to Top