Binigyang diin ni Governor Hamor ang mahalagang papel ng kapulisan

January 05, 2024

TINGNAN:

Sa pagsisimula ng taon, nagsagawa ng New Years Call ang Philippine National Police (PNP) kasama si Regional Director PBGEN Andre P. Dizon, Provincial Director PCOL Dionisio T. Laceda at lahat ng Chief of Police sa lalawigan kay Governor Boboy Hamor. Sa ginawang pagpupulong, binigyang diin ni Governor Hamor ang mahalagang papel ng kapulisan at nangako itong patuloy na susuportahan ang naturang ahensya.

Dagdag pa, sinabi rin ng gobernador na naglaan ng pondo ang Kapitolyo para sa karagdagang 17 patrol cars na ibibigay sa PNP at gagamitin nito upang mas mapabuti ang mga hakbang sa seguridad ng lalawigan.

Gayunman, hinamon ni Governor Hamor ang puwersa ng pulisya at hinimok silang panatilihin ang kanilang magagandang accomplishments na nagawa katulad ng pagkakakilala sa lalawigan bilang pinakamahusay na Provincial Police Office na may pinakamababang antas ng krimen sa Bicol region.

Ang pagsusumikap na ito ay nagbibigay diin sa pangako ng gobernador na itaguyod ang ligtas at maayos na probinsya para sa lahat ng mga Sorsoganon.

#UnaAnSorsoganon

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top