Muling nag-ikot sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Pilar, Sorsogon si Governor Boboy Hamor

December 06, 2023
TINGNAN:
Muling nag-ikot sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Pilar, Sorsogon si Governor Boboy Hamor nitong ika-lima ng Disyembre, 2023.
Kabilang sa mga pinuntahan nito ay ang Mababang Paaralan ng Salvacion at Cagbacong, Salvacion National High School, Manuel T. Sia National High School, at Pilar II Central School.
Sa kanyang pagbisita, masayang nakisalamuha at nakipag kwentuhan ang Gobernador sa mga guro at estudyante. Kinamusta nito ang kanilang sitwasyon at inalam ang mga pangangailangan upang matugunan at mas mapaunlad ang estado ng edukasyon sa naturang mga paaralan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top