DOCTORS TO THE HOUSEHOLD AT ROLLING CLINIC AND PHARMACY, UMARANGKADA NA

February 14, 2023
Inilunsad na ng pamahalaang panlalawigan ngayong araw ng mga puso ang programang Doctors to the Household at Rolling Clinic and Pharmacy sa barangay Sinalmacan sa bayan ng Matnog.
Layon ng programa na personal na mabisita ng mga Doktor ang mga bedridden sa mismong bahay ng mga ito. Nagsagawa din ng regular na check-up sa mga may karamdaman kasabay na ang pagbibigay ng libreng mga gamot.
Ang Doctors to the Household at Rolling Clinic ay binuong programa ni Governor Boboy Hamor na kasama sa 7K sa ilalim ng Kalusugan program.
Naniniwala si Governor Boboy na mas lalo pang magiging epektibo ang health services sa lalawigan kung kasama dito ang personal na pagdalaw ng mga Doktor sa bahay nang mga bedridden at ng may mga malubhang karamdaman.
Tatlong beses sa isang lingo magbibisita ang mga Doktor ng kapitolyo sa mga barangay sa probinsiya at inaasahan ang full implementation nito sa darating na buwan ng Marso.
Scroll to Top