January 17, 2023
Sa pagbukas ng bagong taon isang daang porsyento ulit ang nakuhang suporta ng mga LGUs at Ciudad mula sa Provincial Government of Sorsogon sa ilalim ng Kalinigan Program. Isang daang porsyentong suporta mag mula sa 60% Financial Assistance sa kabuuang sahod ng Eco-Aides sa loob ng anim na buwan, mga panibagong PPEs, Cleaning Materials at Heavy Equipment na magagamit sa pang araw araw na paglilinis ng mga Eco-Aides.
Sa halos anim na buwan na manunungkulan ni Governor Edwin “Boboy” Hamor bilang Gobernador ng lalawigan, malaking epekto na ang nararamdaman ng bawat Sorsogonanon at mga iba pang mga taong bumibisita or napapadaan sa lalawigan ng Sorsogon.
Iba’t ibang inisyatiba na din ang mga nagawa sa ilalim ng Kalinigan Program, ang pagbibigay asistensya sa bawat bayan at ciudad kabilang na dito ang suporta sa 4S Strategy kontra Dengue ng DOH, Oplan Undas Clean-up Drive, at Special Clean-up Drive Request ng iba’t ibang paaralan bukod sa pang araw-araw na paglilinis ng mga Eco-Aides sa mga kalye at kalsada sa buong lalawigan.
Sa inisyatiba ni Governor Edwin Boboy Hamor kasama ang Sorsogon Provincial Tourism Culture and Arts Office, at kooperasyon ng mga Local Government Units ng Sorsogon, naglalayong magtatag ng proyekto na panatag, may kalidad, at dignidad para sa bawat Sorsoganon.