Muling namahagi ng libreng gulong sa mga tricycle drivers

July 13, 2023
7K KABUHAYAN UPDATE:
Para sa ika-limang batch, muling namahagi ng libreng gulong sa mga tricycle drivers at operators ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Boboy Hamor katuwang ang Local Government Unit ng Bulusan at Sta.Magdalena, kahapon, ika-12 ng Hulyo.
Sa ilalim ng 60-40 scheme, magkatulong sa pondo ang Kapitolyo at mga LGUs kung saan nabigyan ang nasa 333 beneficiaries mula sa bayan ng Bulusan at 169 naman mula sa Sta.Magdalena ng tig-dadalawang bagong gulong na bahagi ng proyektong “Ayuda na Goma para sa Parapasada” ng Kabuhayan Program.
Bukod sa pasasalamat na ipinaabot nina Bulusan Mayor Mike Guysayko at Sta.Magdalena Mayor Mark Jewery Lozano, lubos din ang galak at pagpapasalamat ng mga nabigyan ng nasabing ayuda.
Scroll to Top