TINGNAN: Apat na unit ng circulating dryers na may generator set ang dumating sa itinatayong warehouse facility ng pamahalaang panlalawigan sa Cogon, Juban.
Ang mga makinang ito ay naisakatupuran sa tulong ng Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization (PHILMECH) bilang suporta sa programang pang-agrikultura ng pamahalaang panlalawigan.
Ang kagamitang ito ay nakatakdang pahusayin ang “7K Kabuhayan Program Bakal Paray Tinda Bugas,” kung saan bibilhin ng pamahalaang panlalawigan ang ani ng palay ng mga magsasaka sa halagang 23 piso kada kilo, na magpapalakas ng lokal na agrikultura at kabuhayan.