Official Website

Tree Planting sa Gitna ng Ulan: Governor’s Greening Program Umabot sa Donsol

January 9, 2025
TINGNAN: Sa gitna ng matinding buhos ng ulan, tuloy pa rin ang mga empleyado ng Kapitolyo kasama ang butihing Governor Boboy Hamor sa Tree Planting Activity sa bayan ng Donsol kahapon, ika-8 ng Enero. Ito ay bahagi ng Governor’s Greening Program, ang “Fruit Trees for Every Home” kung saan namimigay at naghihikayat sa mga bahay-bahay na magtanim ng mga fruit-bearing trees. Ang mga barangay Banuang Gurang , Mabini, Sevilla, Bayawas at Sta. Cruz ang nabahagian ng iba’t ibang mga bungang-kahoy. #UnaAnSorsoganon

Scroll to Top