Official Website

SA GITNA NG MATINDING INIT NG ARAW,PERSONAL NA PINASYALAN NI GOVERNOR BOBOY HAMOR ANG MGA COASTAL BARANGAY SA BAYAN NG MATNOG

April 10, 2026 TINGNAN | Sa gitna ng matinding init ng araw ngayong Biyernes, personal na pinasyalan ni Governor Boboy Hamor ang mga coastal barangay ng Coron-Coron, Sua, Manurabi, Mambajog, Sinangatan, at Geneblan Occidental at Oriental sa bayan ng Matnog upang direktang makiusap at iulat sa mga residente ang kasalukuyang estado ng konstruksyon ng kalsada sa kanilang lugar.

Mula sa mga panahong bangkang de-motor lamang ang tanging daan upang marating ang mga barangay na ito, ngayon ay unti-unti nang nagiging realidad ang maayos na access ng mga sasakyan, isang pagbabago na hindi lamang nagpapabilis ng biyahe kundi nagbibigay na rin ng ginhawa at bagong pag-asa sa pang araw araw na pamumuhay ng mga residente.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top