May 18, 2026 TINGNAN | Pormal nang binasbasan at pinasinayaan ngayong araw, ika-18 ng Mayo, 2026 ang bagong Central Birthing Home Facility sa lungsod na matatagpuan sa barangay San Juan Roro, sa pangunguna nina Sorsogon City Mayor Ester Hamor at Governor Boboy Hamor kasama ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, City at Provincial Health Office (PHO).
Layunin ng bagong pasilidad na mapalapit at mapabuti pa ang serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at sanggol, gayundin ang pagbibigay ng mas ligtas at maayos na maternal healthcare services para sa mga Sorsoganon.