Official Website

Pinangunahan ni Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla ang 2nd Inter-Agency Task Force Meeting sa pagpapatibay ng mga estratehiya at interbensyon para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) at iba pang kaugnay na usapin

April 4, 2026 TINGNAN | Pinangunahan ni Provincial Administrator Franco Eric Ravanilla ang 2nd Inter-Agency Task Force Meeting ngayong Lunes, Mayo 4, 2026 na ginanap sa SPDRRMO War Room, kung saan nakatuon sa pagpapatibay ng mga estratehiya at interbensyon para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) at iba pang kaugnay na usapin.

Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng CICL at mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan, kung saan naitala ang pagbaba ng bilang ng kaso mula 275 noong 2024 kumpara sa 237 noong 2025.

Gayunman, nananatiling hamon ang mga insidenteng nagaganap sa loob mismo ng tahanan.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng mas pinaigting na koordinasyon ng mga ahensya gaya ng Bahay Pag-asa, CSWDO, PSWDO, at iba pa stakeholders gayundin ang patuloy na pagsasanay upang higit na mapahusay ang kanilang serbisyo.

Iminungkahi rin ang pagpapatupad ng curfew at mas mahigpit na gabay ng mga magulang at paaralan sa paggamit ng cellphone bilang hakbang sa pag-iwas sa mga katulad na insidente.

Samantala, nagkaisa naman ang lahat ng ahensya na palakasin ang sistema at pagtutulungan upang tuluyang maprotektahan ang kabataan at maiwasan ang mga ganitong kaso.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top