June 11, 2026 TINGNAN | Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor ang briefing kasama ang mga kinatawan ng Provincial Engineers Office at Provincial Health Office para talakayin ang comprehensive master plan ng Sorsogon Provincial Hospital (SPH).
Layunin ng master plan na gabayan ang pangmatagalang expansion at modernization ng mga pasilidad at medical services ng SPH upang mas matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga Sorsoganon.
Napapanahon ayon kay Governor Boboy ang pagpaplano kasunod ng nakaambang paglalagay ng MRI machine at pagpapalawak ng dialysis services na inatasan ng gobernador bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng healthcare system sa lalawigan.