Official Website

Personal na pinangunahan ni Governor Edwin “Boboy” Hamor ang turnover ng Enhanced Barangay Household Inventory and Directory Assessment (EBHIDA) Book sa Pamahalaang Bayan ng Bulusan

June 8, 2026 TINGNAN: Personal na pinangunahan ni Governor Edwin “Boboy” Hamor ang turnover ng Enhanced Barangay Household Inventory and Directory Assessment (EBHIDA) Book sa Pamahalaang Bayan ng Bulusan noong Lunes, Hunyo 8, 2026.

Tinanggap ng 24 na Punong Barangay ng bayan ang kani-kanilang EBHIDA Book na magsisilbing mahalagang sanggunian sa pagbuo ng mga programa, proyekto, at serbisyong nakabatay sa aktwal na datos ng mga mamamayan sa kanilang komunidad.

Layunin ng EBHIDA na palakasin ang data-driven governance sa mga barangay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas organisado at komprehensibong talaan ng mga kabahayan at residente. Sa tulong nito, mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahatid ng mga serbisyong pampubliko para sa bawat Sorsoganon.

Samantala, presente rin sa naturang aktibidad sina Vice Governor Jun Escudero kasama ang ilang myembro ng Saangguniang Panlalawigan, Bulusan Municipal Mayor Weng Rafallo, Vice Mayor Mike Guysayko, Provincial Administrator at Katrangkiluhan Program Manager Franco Eric Ravanilla at ilan pang lokal na opisyal.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top