May 20, 2026 LOOK | Patuloy na nagsasagawa ng validation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa tulong ng mga personahe ng 7K Kadunungan at Provincial Social Welfare and Development Office para sa mga aplikante ng Beyond K12 Scholarship Program na nagsimula noong Mayo 11 at nagpapatuloy hanggang sa mga susunod na araw sa iba’t ibang pribadong paaralan sa lalawigan.
Layunin ng programa na mabigyan ng oportunidad ang mga kwalipikadong mag-aaral na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo, kung saan sasagutin ng pamahalaang panlalawigan ang 60% ng kanilang tuition fees sa ilalim ng nasabing scholarship program.
Patunay ito ng patuloy na suporta ng Kapitolyo sa edukasyon at sa pangarap ng mga kabataang Sorsoganon na makapagtapos ng pag-aaral.