January 20, 2025
TINGNAN: Nagkaroon ng information dissemination ukol sa “Pan sa Paaralan” sa bayan ng Gubat sa iba’t ibang school heads at principals sa mababang paaralan nitong nakaraang Biyernes, ika-17 ng Enero, 2025. Ang Pan sa Paaralan ay nasa ilalim ng programang 7K Kadunungan, kung saan namamahagi ito ng libreng tinapay sa mga mag-aaral sa elementarya sa buong lalawigan. Ang implementasyon ng programang ito ay naging matagumpay, 100% kumpleto na nabahagian ang iba’t ibang paaralang elementarya sa 14 munisipalidad at syudad sa probinsya. #UnaAnSorsoganon #7KKadunungan