April 28, 2026 Patuloy ang pagbibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng tulong pinansyal sa mga pamilya ng Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang district at city jail sa lalawigan.
Sa pakikipagtulungan sa BJMP, target na mabigyan ang kabuuang 40 benepisyaryo mula sa Irosin District Jail, Gubat District Jail, at Sorsogon City Jail.
Nitong Abril 27, 2026, may 7 pamilya ng PDL mula sa Gubat District Jail ang unang nakatanggap ng kanilang tseke habang patuloy pang pinoproseso ang para sa iba pang kwalipikadong pamilya.
Kabilang sa target beneficiaries ang:
• 10 mula sa Gubat District Jail
• 10 mula sa Irosin District Jail
• 20 mula sa Sorsogon City Jail
Layunin ng programang ito na maibsan ang pinansyal na pangangailangan ng mga pamilyang benepisyaryo lalo na’t nakakulong ang kanilang kapamilya at patuloy na humaharap sa hamon ng buhay.