Official Website

PAGPAPATAYO NG POLICE SUB-STATION SA BARANGAY PALANAS, PILAR ISUSULONG NI GOVERNOR BOBOY

May 11, 2026 Mas mapapalakas pa ang seguridad at presensya ng kapulisan sa ilang barangay sa bayan ng Pilar matapos ihayag ni Governor Boboy Hamor sa harap ng Pilar Police Personnel ang planong pagpapatayo ng isang gusali upang magkaroon ng police sub-station sa Barangay Palanas.

Ayon kay Governor Boboy, layunin ng nasabing sub-station na mas mailapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga residente ng mga karatig barangay kabilang ang Malbog, Lungib, Pineda, San Rafael, Inapugan, Pangpang, Bantayan at Dapdap. Ang mga barangay na ito dahil sa lokasyon ay malimit nang maabot ng pagpapatrolya ng mga kapulisan.

Binigyang diin ng gobernador na mahalagang maramdaman ng mamamayan ang presensya ng mga pulis lalo na sa usapin ng pagpapanatili ng kaayusan, seguridad at agarang pagtugon sa anumang insidente sa mga nabangit na barangay.

Dagdag pa nito, makatutulong ang pagtatayo ng sub-station upang mapabilis ang responde ng mga otoridad at lalo pang mapanatili ang mababang crime rate sa nasabing mga lugar.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top