Official Website

‘P20 Benteng Bigas Program’ Patuloy na pinipilahan ng mga benepisyaryong Sorsoganon

May 14, 2026 IN PHOTOS | Patuloy na pinipilahan ng mga benepisyaryong Sorsoganon ang ‘P20 Benteng Bigas Program’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ngayong araw, Mayo 14, 2026 sa kasalukuyang rollout nito sa Sorsogon Provincial Gymnasium.

Sa tulong ng mga kawani ng OPAg, matagumpay na naisakatuparan ang programa kung saan nakikinabang ang halos mahigit isang libong benepisyaryo kabilang ang Senior Citizens, PWDs, Solo Parents, at marami pang iba.

Samantala, komportable namang nakapila sa air-conditioned na pasilidad sa Gym habang may libreng snack na lugaw para sa ating mamimili ang inihanda ng kapitolyo.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top