June 24, 2026 Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng food security at dagdag kabuhayan sa komunidad, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist ang orientation para sa PUNLA Project sa NGC Function Hall ngayong araw, June 24, 2026.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga Municipal/City Agriculturist sa buong lalawigan, at ilang mga personahe mula sa 7K Kalikasan at 7K Kalinigan Program. Layunin ng programa na mabigyan ng mga punla ng gulay ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa buong lalawigan, na may target na 4,000 kabahayan para sa unang implementasyon nito.
Kabilang sa mga pamantayan sa pagpili ng benepisyaryo ang pagiging handang magtanim at mag-alaga ng mga gulay tulad ng talong, kamatis, sitaw, sili, at okra; pagkakaroon ng 10 hanggang 200 square meters lupang maaaring gawing gulayan; at pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan ng tubig para sa patubig.
Sa pamamagitan ng PUNLA Project, inaasahang higit pang mahihikayat ang pamilyang. Sorsoganon na magkaroon ng sariling taniman at makatulong sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain sa bawat komunidad.