June 9, 2026 TINGNAN | Nakiisa ngayong umaga si 1st District Congresswoman Dette Escudero kay Governor Boboy Hamor sa isang roundtable discussion kaugnay ng paghahanda ng Lalawigan ng Sorsogon bilang host ng Palarong Bicol 2027 na gaganapin sa February 20–27, 2027.
Tiniyak ni Cong. Dette ang kanyang buong suporta at pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang pagho-host ng lalawigan sa pinakamalaking panrehiyong palaro sa Bicol.