May 20, 2026 TINGNAN: Ngayong Mayo 20, 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ng OPAg Sorsogon at Sorsogon State University ng dalawang aktibidad. Una, ipinamigay ang allowance sa 38 AgriKIDS (1st Batch) na nag-aaral ng BS Agribusiness, BS Agriculture and Biosystems Engineering, at BS Agriculture sa Sorsogon State University Castilla Campus. Pangalawa, isinagawa ang qualifying exam para sa 70 aplikante ng AgriKIDS (2nd Batch). Ang pagsusulit na ito ay bahagi ng screening process matapos ang panel interview at home visit/validation na ginawa noong Hulyo at Agosto 2025.