May 19, 2026 Pinangunahan ni Governor Boboy Hamor, kasama ang Provincial Planning and Development Office ang isinagawang Municipal Development Council Meeting kaugnay ng paghahanda para sa planning period ng Disyembre 2026, kung saan tinalakay ang wastong paglalatag at implementasyon ng mga prayoridad na proyekto ng mga Local Government Units.
Binigyang-diin ni Governor Hamor na kinakailangang naka-align ang mga proyekto ng mga lokal na pamahalaan at sumunod sa tamang proseso ng implementasyon, kabilang ang kumpletong detalye gaya ng project title, implementing schedule, total cost, funding source, implementing period, implementing office at iba pa.
Layunin ng pulong na matiyak ang maayos, organisado, at episyenteng pagpapatupad ng mga programa’t proyekto na magbibigay benepisyo sa mga komunidad sa lalawigan.