September 12, 2023
7K KALUSUGAN UPDATE:
Isa na namang fulfilling na araw ng Kalusugan Program, binisita ng mga medical team ang Barangay Quidolog at Talisayan sa Pto. Diaz, gayundin ang Barangay Gogon at San Antonio sa Casiguran.
Nagbigay sila ng lubos na medikal na atensyon sa mga pasyenteng nakaratay sa higaan, at nagpatuloy sa kanilang nakatuong pagsisikap na mapabuti ang pangangalagang pangkalusugan sa mga barangay nang lalawigan.