Official Website

Masustansyang Hataw sa Tag-araw ng Mobile Kitchen

March 10, 2026

TINGNAN: Isinagawa ngayong Marso 10, 2026 sa Castilla Covered Court ang “Masustansyang Hataw sa Tag-araw ng Mobile Kitchen,” isang one-day feeding activity sa ilalim ng 7K Kadunungan Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pakikipagtulungan ng Provincial Nutrition Council.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng masusustansyang pagkain ang hindi bababa sa 150 bata mula sa mga napiling lugar upang makatulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan lalo na ngayong panahon ng tag-init. Bahagi rin ng programa ang pamamahagi ng hygiene supplies upang hikayatin ang mga bata at kanilang pamilya na panatilihin ang wastong kalinisan at pangangalaga sa kalusugan.

UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top