March 24, 2026 Narating ng “Masustansyang Hataw sa Tag-Araw ng Mobile Kitchen” ang mga kabataan sa Matnog, Sorsogon sa pamamagitan ng isang one-day feeding activity sa ilalim ng Kadunungan Program, katuwang ang Provincial Nutrition Council ngayong araw, Marso 24, 2026.
Bukod sa masustansyang pagkain, nabigyan din ng hygiene supplies ang hindi bababa sa 150 batang benepisyaryo upang higit pang mapangalagaan ang kanilang kalusugan lalo na ngayong tag-init.