June 9, 2026 TINGNAN | Mainit na pagtanggap at masayang pakikipagkamustahan ang sumalubong kay Governor Boboy Hamor sa kanyang pagbisita sa mga barangay ng Panlayaan, Buenavista, at Pangpang sa West District ng Sorsogon City ngayong araw.
Personal na kinumusta ng gobernador ang mga residente na nakinabang sa libreng serbisyong medical, dental, at x-ray sa ilalim ng 7K Kalusugan Program. Kitang-kita rin ang kanyang kasiyahan at sigla sa dami ng mga residenteng patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa programang naglalayong ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Sorsoganon.
Taos puso ring nagpasalamat si Governor Boboy Hamor sa mga opisyal ng barangay ng Panlayaan, Buenavista, at Pangpang sa kanilang buong pusong pakikiisa at suporta upang maging matagumpay ang programa.