April 28, 2026 TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ngayong umaga ang ika-siyam na rollout ng community pantry ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon para sa mga tsuper sa Sorsogon.
Ang programang ito ay isinakatuparan ng Kapitolyo upang matulungan ang ating mga tricycle at jeepney drivers gayundin ang mga delivery riders na masuportahan para sa kanilang pang araw-araw na hanapbuhay dahil sa malaking epekto sa kanila ng krisis sa gasolina.
Samantala, masaya namang tinanggap ng mga nabanggit na benepisyaryo ang libreng bigas, kaunting groceries at sariwang gulay.