March 19, 2026 TINGNAN: Matapos ang naunang pulong para sa pagpapatuloy ng kampanyang Beyond K12: Kabataang Sorsoganon, Padagos sa Kolehiyo, muling nagpatawag ng pagpupulong si Gov. Boboy Hamor ngayong umaga—sa pagkakataong ito ay kasama ang mga kinatawan mula sa ilang pamunuan ng public, private, at community colleges sa lalawigan.
Layunin ng pulong na pagtibayin ang suporta ng mga institusyon para sa programa sa pamamagitan ng 7K Kadunungan, lalo na sa planong direktang ipasok ng Pamahalaang Panlalawigan ang educational assistance sa mga paaralan. Sa ganitong paraan, masisiguro na ang mga incoming college students ay magkakaroon ng tuloy-tuloy na suporta hanggang sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo.