Official Website

Isinasagawa ang P20: Benteng Bigas Program Rollout at Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon

April 29, 2026 TINGNAN: Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang P20: Benteng Bigas Program Rollout at Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa tulong ng Office of the Provincial Agriculturist.

Sa ilalim ng P20 Rice Program, makakapagbenta ng bigas sa nasa 1,250 benepisyaryo ang Kapitolyo sa halagang 20 piso kada kilo. Kasabay nito, muling tinangkilik ng mga Sorsoganon ang sariling ani at produkto na tinda ng ating local farmers na nakilahok sa Kadiwa.

Ang Benteng Bigas at Kadiwa ay regular na isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan dalawang beses kada buwan.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top