Official Website

ISANG DAANG MATAGAL NANG HINIHINTAY, NGAYON AY NAIPAGKALOOB NA.

April 10, 2026 ISANG DAANG MATAGAL NANG HINIHINTAY, NGAYON AY NAIPAGKALOOB NA.

Personal na ininspeksyon ni Governor Boboy Hamor ang bagong road access patungo sa Butag National High School sa Bulan, Sorsogon,isang proyektong matagal nang inaasam ng barangay.

Sa loob ng mahabang panahon, tiniis ng mga mag-aaral ang hirap at panganib sa paglalakad sa baybaying daan, makapasok lamang sa paaralan. Ngayon, ang dating pangarap ay isa nang konkretong daan tungo sa mas ligtas at mas maayos na pag-aaral.

Taos-pusong humingi ng paumanhin ang gobernador sa pagkaantala ng proyektong ito,isang pagkilalang matagal man, ngunit hindi kinalimutan. Kasabay nito, buong galang niyang pinasalamatan ang may-ari ng lupang dinaanan ng kalsada na buong pusong nagbigay, walang kapalit at hindi humingi ng bayad para sa kapakanan ng mga kabataan.

Kinilala rin ang mabilis na aksyon at pagkilos nina Provincial Engineer Odessa Tejada at Provincial Assessor Engr. Nonoy Gilbas, mga lingkod bayan na nagsilbing tulay upang maisakatuparan ang proyektong ito.

#UnaAnSorsoganon

Scroll to Top