April 30, 2026 Ipinagpapatuloy ngayong araw ang community pantry ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon para sa drivers ng modern at traditional jeep, delivery riders at ilang tricycle drivers.
Ngayon ang ika-10 batch ng rollout ng nabanggit na aktibidad kung saan sa pagtatapos nito ay inaasahang ibababa na ito ng Kapitolyo sa bawat munisipyo para sa mas maraming benepisyaryo ang maabot ng naturang tulong.