Official Website

Personal na Pagbisita ni Governor Boboy Hamor sa mga Opisina ng Kapitolyo para Tiyakin ang Maayos na Serbisyo

January 22, 2025

TINGNAN: Sa patuloy na pagsisikap para mapabuti ang serbisyo-publiko, personal na ininspeksyon ni Governor Boboy Hamor ang mga opisina ng Kapitolyo upang kumustahin ang kalagayan ng mga empleyado at tiyakin ang maayos na operasyon sa bawat departamento. Ang ganitong surprise visit ay nagdudulot ng mas positibong epekto sa mga empleyado—nagpapalakas ng kanilang morale, nagpapakita ng malasakit ng liderato at nagbibigay ng inspirasyon para magpatuloy sa tapat at masigasig na pagtatrabaho para sa kapakanan ng publiko. #UnaAnSORSOGANON #GoodGovernance

Scroll to Top