May 12, 2026 TINGNAN | Ikalawang araw na ng pag-iikot ni Governor Boboy Hamor sa mga municipal police stations sa lalawigan upang personal na tiyakin ang kahandaan ng kapulisan para sa maayos at ligtas na pagbubukas ng klase.
Kaninang alas-4:45 ng madaling araw, dumating ang gobernador sa bayan ng Magallanes kung saan muli niyang binigyang diin sa mga uniformed personnel ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kaayusan, disiplina at mas pinaigting na peace and order situation lalo na ngayong nalalapit ang school opening.
Kasama ng gobernador sa nasabing pagbisita sina Magallanes Mayor Len Ragragio at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan bilang pagpapakita ng suporta sa layunin ng lalawigan na mapanatili ang ligtas at maayos na lalawigan para sa mga Sorsoganon.