Official Website

Huling rollout ng Community Pantry para sa ating mga drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina

May 21, 2026 Matapos ang halos dalawang buwang tuloy-tuloy na pagsuporta, isinagawa na ngayong araw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang huling rollout ng Community Pantry para sa ating mga drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa pamamagitan ng programang ito, nakatanggap ng pangunahing commodities at tulong ang mga tsuper bilang pag-alalay sa kanilang araw-araw na pangangailangan sa gitna ng krisis sa petrolyo.

Ipinakita ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy nitong malasakit sa sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng agarang pagtugon at pagbibigay-suporta sa mga nangangailangang Sorsoganon.

#UnaAnSORSOGANON

Scroll to Top